PARANAQUE CITY-NASAKOTE sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 330 cartridges ng liquid marijuana sa isang air cargo warehouses.
Ayon sa report, nadiskubre ang 11 packages ng liquid marijuana na aabot sa P700,000, makaraang dumaan ito sa eksaminasyon ng customs sa loob ng naturang warehouse.
Ang pagkakahuli sa marijuana ay resulta ng patuloy na kampanya para maprotektahan ang mga exit at entry point ng bansa sa pagpasok ng mga ilegal na droga.
Ayon sa pamunuan ng BOC, ang importation ng hempseed at cannabidoil ay ilegal dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa RA 10863 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Agad naman ito nai-turn over sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa tulong ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction task Group (NAIA-IADITG. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.