MAYNILA – NASA pitong trucks ng basura katumbas ng nasa 34.31 tonelada, na itinuring na “eyesore” sa kahabaan ng Roxas Boulevard ang nahakot kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) sa baybayin ng Manila Bay sa Maynila.
Simula alas-7:00 kahapon ng umaga ay daan-daang streetsweeper mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang nagtulong-tulong para hakutin ang mga basurang inanod ng alon ng Manila Bay, malapit sa embahada ng Estados Unidos.
Ang mga nahakot na basura ay kinabibilangan ng mga kawayan, kahoy mula sa mga fish pens, water hyacinths, plastics, household waste at mga basurang mula sa mga estero at creeks.
Ang cleaning operation at pagiging eco-warrior ay pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim kasama ang mga kawani ng MMDA upang itaguyod ang environmental consciousness.
“The Manila Bay cleanup activity is part of the MMDA’s 43rd anniversary celebration and we intend to continue this for the remaining Saturdays of the month,” ayon ito kay Francis Martinez, head ng MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG).
Sabi pa ni Martinez ang nasabing mga basura ay nagsisilbing “eyesore” sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Bukod sa MMDA ay umayuda rin sa kanila ang mga kawani ng Manila City at ito rin ang nag-provide ng 7 dump truck na paglalayan ng mga basura na dadalhin sa Pier 18 at sa sanitary landfill. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.