3,409 PULIS IDE-DEPLOY NG NCRPO PARA SA LIGTAS UNDAS 2018

PULIS

TAGUIG CITY –AABOT sa 3,409 na pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang kaligtasan para sa paggunita ng mga namayapang mahal sa buhay o obserbasyon sa araw ng undas.

Magsisimula ang pagroronda ng pulisya sa Metro Manila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 habang ang lahat ng yunit  sa ilalim ng NCRPO ay magdaradag o dodoblehin ang police visibility sa lahat ng mga sementeryo at paiigtingin ang police operations na naglalayong maseguro ang kaligtasan ng publiko, hindi lang sa mga sementeryo kundi sa buong Metro Manila.

Batay sa ipinadala sa viber message ng NCRPO, nagbigay na ng direktiba si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, paiigtingin ang pagbabantay sa mga sementeryo, sa mga terminal, pantalan, paliparan, pamilihan gaya sa Dangwa sa Maynila kung saan daragsain ng bibili ng bulaklak at Divisoria, Baclaran at Quiapo na kilalang bilihan ng kandila at iba pang estratehikong lugar dahil inaasahan ang dagsang mga tao.

Batay pa rin sa statement ng NCRPO, may ugnayan na rin ang pulisya sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection  at local government units na magsisilbi bilang force multipliers upang matiyak ang maximum security.

Habang magiging pangunahing trabaho naman ng MMDA ay matiyak na walang pagsisikip sa mga daraanan patungong sementeryo.

Nagbigay na rin ng direktiba si Eleazar  sa lahat ng district director para sa pagpapatupad at pangangasiwa para sa personnel mobility at iba pang logistical requirements para sa walang aberyang obserbasyon sa Undas 2018. ROSE LARA

Comments are closed.