345K WORKERS WANTED SA JAPAN

OFW-JAPAN

MAGANDANG oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho. Nangangaila­ngan  ngayon ng 345,000 foreign work-ers ang Japan para sa 14 na industriya.

Nakatakdang ilunsad  sa buwan ng Abril ang bagong employment track ng Japanese government matapos na makipagpulong sa  Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Tatawagin itong  “specified skilled worker visa.”

Sa pahayag ng POEA, iba pa ito sa Technical Internship Training Program (TITP), kung saan ide-deploy ang isang aplikante bilang “trainee”.

Limang taon lamang ang magiging kontrata sa ilalim  ng TITP,  at hindi na puwedeng mag-renew o mag-apply ulit matapos nito.

Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, ang bagong visa ay puwedeng  i-migrate ang  TITP workers  sa pagi­ging  full time worker. May dalawang kategor­ya sa ilalim ng bagong programa depende sa skills at trabaho ng  makukuhang trabahador.

Maaaring mabigyan ang worker ng limang taong kontrata o mahigit limang taon at may pagkakataon pang madala ang pamilya at mag-apply para sa immigrant visa.

Ang bagong sistemang ito sa paghihimok  sa mga aplikante  dahil  kahit  lumalago ang mga industriya sa Japan, maliit ang populasyon  nito at mas marami ang aging population.

Kabilang sa mga trabahong wanted sa Japan ay sa industriya ng construction,   fishery,  food service industry, agriculture, man-ufacture of food and beverages, accommodation industry,  building cleaning management, machine parts and tooling, aviation indus-try, industrial machinery,  electric, electronics and information, automobile repair and maintenance, shipbuilding and ship machinery.            AIMEE ANOC

Comments are closed.