TATLONG DAAN apatnapu’t siyam na katao ang nasermonan makaraang hulihin dahil sa paglabag sa unang araw nang pag-iral ng lockdown sa Navotas City.
Ang mga ito ay nahuli ng mga pulis, tauhan ng barangay at Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa pagsusuot ng face mask, hindi pagsunod sa 1 hanggang 2 metrong physical distancing, 24-oras na curfew ng mga batang wala pang 18-anyos, at iba pang patakaran ng community quarantine.
Kasunod nito, nakiusap si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga residente na makiisa sa 13 araw pang pag-iral ng lockdown.
Iwasan aniyang sumuway sa mga patakaran at safety measures upang maiwasan ang hawaan ng virus at matigil na ang pagkalat ng sakit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.