CAMP VICENTE LIM – TATLUMPU’T limang itinuturong mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang magkakasunod na inaresto ng pulisya sa bayan ng San Mateo, Rizal Sabado ng gabi.
Base sa ulat ni PRO4A Calabarzon Regional Director P/BGen. Felipe Natividad, 9 sa mga ito ang kinabibilangan ng mga babae habang 26 naman ang mga lalaki.
Magkakasunod na inaresto ang mga ito dakong alas-7:30 ng gabi sa Bgy. Guinayang sa pamumuno ni Rizal PNP Provincial Director PCol. Joseph Arguilles, RPMFC Chief PLt. Col. Rex Gaoiran, San Mateo Rizal Chief of Police PLt. Col. Jaycon Ramos at miyembro ng 80th Infantry Batallion (PA) dahil sa paglabag ng mga ito sa walang habas na pagpapaputok ng baril (Violation of Indiscriminate Firing) illegal possession of firearms, Usurpation of Authority and Violation of Municipal Ordinance, (Public gathering during pandemic).
Batay sa ulat, lumilitaw na pinamumumuan umano ang 35 MNLF members ni Lydia Panuelo, Edwin R. Malubay, alleged retired MSgt. ng Philippine Airforce at isang Jose Joamirmel S. Laroya.
Narekober sa mga ito ang isang unit of high cap Armscor cal. 45 pistol with SN 1102383, 2 magazines na pag-aari ni Malubay habang isang unit of shooters cal.45 pistol, 4 magazines mula kay Laroya.
Bukod pa sa 4 na bala ng shotgun, 5 hand held radios, 1 jungle knife at assorted military uniforms ang narekober.
Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng San Mateo Rizal Police ang grupo ng MNLF para sampahan ng kaukulang kaso ng mga ito sa piskalya. DICK GARAY
Comments are closed.