DAVAO ORIENTAL – NASA 36 na bloke ng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa karagatan ng bayan ng Caraga.
Tinatayang nasa P200 million ang halaga ng bloke-bloke ng cocaine ang natagpuan nitong linggo sa may dalampasigan ng Davao Oriental.
Sinabi ni Davao Oriental Police Provincial Director Marcial Mariano Magistrado, isang kagawad na kinilalang si Emelio Bantayan ng Barangay Santiago ang nagsabi sa Caraga Municipal Police Station na may mga bloke ng cocaine ang natagpuan sa Purok Talisay.
Ayon kay Magistrado, agad na ibinigay nila sa Philippine Drug Enforcement Agency-Caraga ang mga nasabing droga para masuri. VERLIN RUIZ
Comments are closed.