Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Alaska vs Columbian
7 p.m. – San Miguel vs Blackwater
TARGET ng defending champion San Miguel Beer ang ikatlong panalo sa pakikipagtipan sa Blackwater sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Philippine Cup ngayon sa Mall of Asian Arena.
Nakatakda ang duelo ng Beermen at Elite sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Columbian at Alaska sa alas-4:30 ng hapon.
Pinapaboran ang SMB kontra Blackwater dahil lamang ito sa tao, sa pangunguna ng twin towers nina five-time MVP June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger, kutuwang sina Yancy de Ocampo at Kelly Nabong na undisputed sa low post.
Ang presensiya nina Fajardo at Standhardinger ay tiyak na magbibigay ng sakit sa ulo ni Blackwater coach Bong Ramos.
Sa kabila na lamang sa tao, walang balak magkumpiyansa si SMB coach Leo Austria dahil ayaw niyang maulit ang kahihiyan na sinapit sa mga ka-may ng Columbian.
“I do not want to take chances and suffer another embarrassment. I reminded my players to stay focused and keep their relentless assault on fire throughout to ensure victory,” sabi ni Austria, na target ang ika-5 titulo mula pa noong 2015.
Hindi lang sa depensa maaasahan sina Fajardo at Starhardinger, tutulong din ang dalawa sa opensiba na pangungunahan nina Alex Cabagnot, Mar-cio Lassiter, Arwind Santos, Chris Ross, Paul Zamar at Terrence Romeo.
Tatapatan naman sila nina Mac Belo, Michael Vincent Digregorio, Roi Sumang, Mike Cortez, James Sena, Allein Maliksi at talented rookies Paul Desiderio at Abu Tratter.
Galing ang SMB sa panalo laban sa Rain or Shine noong Peb. 1 sa Ynares Center sa Antipolo.
Inaasahan namang mapapalaban ang Columbian sa Alaska sa pangunguna ni top rookie CJ Perez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.