$4.55-B INUTANG NG PINAS PARA SA COVID-19 RESPONSE

DOLLAR

UMABOT sa  $4.55 billion ang foreign loans ng Filipinas mula sa iba’t ibang  institusyon para sa paglaban nito sa COVID-19 hanggang noong kalagitnaan ng Mayo.

Ayon sa Department of Finance (DOF), sa nasabing halaga, $1.7 billion ay mula sa Asian Development Bank (ADB) at $500 million ay sa World Bank.

May $2.35 billion naman ang nalikom mula sa dual-tranche issuance ng global bonds ng bansa.

“The bond issuance demonstrates the resiliency of global investor interest in the Philippine economy despite an environment gripped with pandemic fear,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Nangako rin ang ADB ng  $8 million na grant para suportahan ang dalawang proyekto ng  Department of Health  (DOH) at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“The World Bank accelerated its distribution of the $200-million additional financing for a social welfare development and reform project, “ sabi ng DOF.

Noong nakaraang buwan ay lumagda ang Filipinas ng $100-million loan sa World Bank para sa COVID-19 Emergency Response Project (ERP) nito.

Comments are closed.