4-ANYOS BIKTIMA NG MENINGO

meningococcemia

MAYNILA – Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na isang 4 na taong gulang na batang lalaki sa Davao City ang binawian ng buhay dahil sa meningococcemia.

Hindi naman na pinangalanan ng kalihim ang biktima para sa proteksiyon nito at ng kanyang pamilya.

Aniya, sa kasalukuyan ay inaalam na nila kung sino-sino ang nagkaroon ng close contact sa paslit upang mabigyan ng prophylaxis ang mga ito.

Nagbabala naman si Duque na lubhang nakakahawa ang naturang karamdaman at nakakamatay kung ‘di maaagapan.

Nabatid na nagtungo na rin ang mga tauhan ng DOH sa paaralang pinapasukan ng bata.

Nabigyan na rin ng prophylaxis ang pamilya nito, gayundin ang mga hospital staff na siyang nag-asikaso sa paslit at posibleng nahawaan nito ng karam­daman.

“Meaning they went to the school where the boy attended school. And they have given prophylaxis to the hospital staff who attended or got exposed to the case of meningococcemia,” anang kalihim.

Natukoy na Biyernes nang masawi ang biktima sa Brokenshire Hospital Integrated Health Ministries, Inc. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.