$4 BILYONG INVESTMENT NAIUWI NI PBBM

TINATAYANG nasa $4 bilyong dolyar ang halaga ng investment na papasok sa bansa kaugnay sa anim na araw na pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang linggo sa Estados Unidos.

Batay sa ini-release na datos ng Palasyo, ang mga business agreement o napagkasunduan at commitments ng mga negosyante sa nakabase sa Estados Unidos at ng Punong Ehekutibo ay nasa $3.9 bilyong dolyar na maaaring makalikha ng 112,285 na mga trabaho.

“These investments will come from different sectors such as Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data centers, and manufacturing,” ayon sa pahayag ng Malakanyang.

Gayunman, nilinaw ng Palasyo na ang nasabing pagtaya ay hindi sumasalamin sa kabuuang hinaharap na pamumuhunan mula sa mga kompanyang nakaharap ni Pangulong Marcos noong ito ay nasa New York.

Sinabi pa ng Malakanyang na ang mga naturang kompanya o investors ay nagpahiwatig na nais na mamuhunan sa bansa subalit ang kanilang plano ay hindi pa nababalangkas at naisasapinal.

Samantala, sa pagbubukas ng New Terminal Building ng Clark International Airport noog Miyerkoles sa Clark Freeport sa Pampanga, idiniin ni Marcos na bukas ang Pilipinas sa pagnenegosyo at ang pamahalaan ay handa na sa mas malawak na pagpasok ng partnerships sa mga potential investors.

“And this facility is essentially a very strong signal that yes, indeed, we are open for business,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Muli ring tiniyak ng Pangulo na ang Pilipinas ay magandang destinasyon para sa pamumuhunan dahil sa kahandaan ng pagpqpalakas ng ekonomiya.

Ang bagong bukas na pasilidad ay mahalaga dahil handa na rin ang bansa para maging sentro ng logistic sa Asia.

“Now that the problem caused by the pandemic seems to have eased, perhaps it’s time to go back to our plans about these kinds of PPP projects,” sabi pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ