NORTH COTABATO – UMABOT sa 12 bagong COVID-19 patients kabilang ang 4-month old girl ang naitala ng Department of Health sa Region 12 kahapon.
Sa tala ng DOH-Region 12, aabot na ngayon sa 231 ang total COVID positive sa Soccsksargen region habang 105 na ang nakarekober.
Sa pinakahuling ulat ng DOH-12, Sarangani province pa rin ang may maraming COVID-19 patients, 60, habang 26 pasyente naman sa Cotabato City.
Sa South Cotabato at Sultan Kudarat naman ay 40 COVID-19 patients habang sa North Cotabato ay 34 at sa General Santos City ay may 30 COVID patients.
Sa pahayag ni BARMM surveillance head Dr. Ameril Usman, aabot sa 451 ang nagpositibo sa virus habang 153 ang nakarekober at nananatiling 9 ang namatay.
Samantala, nangunguna ang Marawi City na may 179 habang sa Basilan at Lamitan City ay may 100 pasyente at sa Sulu ay may 11 at tatlo sa Tawi-Tawi.
Sa mga locally stranded individual na dumaan sa Maguindanao patungong Basulta ay aabot sa 120 ang positive case. MHAR BASCO
Comments are closed.