4 CHINESE KALABOSO SA PAGDUKOT SA KABABAYAN

Arestado

PASAY CITY – KULONG ang apat na Chinese na itinurong dumukot at nagkulong sa kanilang kababayan sa casino sa lungsod na ito.

Batay sa police report, dinukot ng mga turistang sina Hui Qin, Sengtao Tan, Kaisi Luo at Pu Fei ang kapwa nila Chinese na si Samuel Chang na hindi umano nagbayad ng utang sa casino.

Lumabas sa imbestigasyon na ikinulong ng mga suspek ang biktima dahil sa utang nitong P300,000.

Nailigtas si Chang ng mga guwardya matapos itong humingi ng tulong sa mga waitress sa casino.

Nahaharap ang mga dayuhang suspek sa rek­lamong illegal detention at grave threat. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.