MAHIGPIT ang atas ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa Inter-Agency Task Force na i-monitor ang apat na Chinese vessels na dumaong sa Port of Aparri sa Cagayan lulan ang mga dayuhang Chinese para matiyak na hindi sila carrier ng coronavirus disease o COVID-19.
Nagpapasalamat si Mamba na kinumpirma ng nasabing team na limang buwan na ang mga ito sa Zambales, at ligtas sa nakamamatay na nasabing virus ang mga Chinese na lulan ng nasabing barko.
Sinabi ni Mamba na ang team na nagsagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga Filipino at Tsinong crew members ay binubuo ng Coast Guard, Maritime Police, Bureau of Customs at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Health Officer Dr. Rowena Guzman-Manantan ng Aparri.
Samantala, inatasan ng gobernador ang team na gumawa ng opisyal na report na ilalabas ngayong araw, Pebrero 17, kasama na ang pagsisiyasat sa papeles ng mga barko kung mayroong pahintulot ang mga ito na dumaong sa kanyang nasasakupang lalawigan.
Ayon sa nakalap na report, mga pawang “dredging” vessels o panghukay na Silk Road (Xiang Yueng Huo) 12, 13, 14 at 16 ay nagmula sa Port of Sta. Cruz, Zambales. IRENE GONZALES
Comments are closed.