4 DRUG DEALERS ARESTADO SA P345K SHABU

shabu

CAVITE – APAT katao na notoryus drug dealers ang naaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng P345k halaga ng shabu sa ikinasang anti-drug operation sa bahagi ng Progressive Village 6 sa Barangay Bayanan, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Robert “Bitoy” Aviso y Marmol, 29, ng Juan Munti, Villanueva St., Brgy. Toclong 1A, Imus City; Gilbert “Boche” Martinez y Pullens, 38; alyas Jimmy, 18; alyas Krystal, pawang nakatira sa Brgy. Molino 1, Bacoor City.

Lumilitaw na dumayo ang mga pangunahing suspek na drug couriers sa nabanggit na barangay para magkalat ng shabu.

Gayunpaman, isang concerned citizen ang nagpaabot sa mga awtoridad kaugnay sa drug trade nina Aviso at Martinez kaya kaagad na isinagawa ang anti-drug operation bandang alas-12:15 ng madaling araw.

Nasamsam kay Aviso kasama si Martinez ang 50.75 gramo ng shabu na may street value na P345,100.00 kung saan nakumpiska rin ang P200 marked money.

Samantala, ang mga suspek na sina De Guzman at Rodriguez ay naaktuhan sa pot session sa bahay na ginawang drug den ni Martinez kaya napasama sa anti-drug operation.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek habang isinailalim na sila sa drug test at physical examination bago dalhin sa police detention facility. MHAR BASCO

Comments are closed.