4 FOREIGNERS HULI SA FAKE DOCS

FAKE DOCUMENTS

PARAÑAQUE CITY – HULI ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Chinese at dalawang Hong Kong national na nagtangkang pumuslit patu­ngong  Canada na may pekeng dokumento.

Ayon kay BI port operations chief Grifton Medina, na ang 4 ay nahuli sa NAIA terminal 2 matapos silang dumating sakay ng Philippine Airlines (PAL)  galing ng Hong Kong nang magduda ang mga personnel sa kanilang mga dokumento kaya isinangguni sa BI’s travel control and enforcement unit (TCEU).

Ayon kay BI-TCEU chief Ma. Timotea Barizo, na ang 2 sa Hong Kong nationals na pasahero na kinilalang sina Lam Mik Ho at  Mak Hin Chun Adrian ay ginamit ang Maynila bilang transient point para sa kanilang connecting flight patungong Toronto, Canada.

Nabatid na ang dalawang Hong Kong nationals ay nag-check-in sa transfer desk ng airline pagkababa nila subalit nasorpresa ang airline representative ng 2 sa Chinese national na kinilalang sina Chen Kaihui at  He Chaorong, ay kaparehas din ang pangalan nila Lam at Mak sa dalawa pa.

“There were two sets of Lam and Maks who wanted to transit to Canada, both sets carrying the same documents,” pahayag ni Barizo.

Sa forensic document examination nalaman na ang ipinakitang passport nina Chen at He ay pekeng Hong Kong passports at nalaman din ang kanilang tunay na pagkakakilanlan sa kanilang pasaporte.

Dahil dito, ang 4 ay pinigil na sumakay ng biyeheng Canada matapos na ikansela ng Canadian authorities ang kanilang electronic travel authorization (ETA) na inis­yu laban kina Lam at Mak  dahil sa misrepresentation.

Agad namang ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente ang kanilang pangalan sa immigration blacklist.

“These undesirable aliens should be banned from entering our country. They have no right to use the Philippines as a jump off point to enter other countries illegally. Let this serve as a warning. You will be caught,” ayon kay Morente.                               PAUL ROLDAN/ FROI MORALLOS

Comments are closed.