KINAGIGILIWAN ng netizen ang apat na Haponesang bakasyonista habang kumakain ng pambatong pagkain ng mga Pinoy, ang balot.
Ayon kay Ruben Quinto, Tourism Officer ng Municipality of Rosario, pamangkin niya ang isa sa mga Haponesa at ang tatlo ay kaibigan nito.
Nabatid na dakong alas-11 ng gabi nang yayain ni Quinto ang mga Haponesa na kumain ng balot sa harapang bahagi ng Jolibee-Noveleta.
Noong una’y tila namamangha pa ang mga Haponesa sa lasa ng itlog na ipapakain sa kanila.
Nang buksan ang balat ng itlog, nilagyan ng kaunting asin ang mainit-init at may sabaw na itlog. May balahibo at malambot na tuka.
Sabay lunok!
Iisa ang nasabi ng mga Haponesa matapos matikman ang balot.
“Oishi ne”! na ang ibig sabihin ay masarap.
Makikita sa bidyo at larawan ang saya ng mga bakasyonista. Patunay lamang na mayaman tayo pakikipagkapwa-tao at pagkaing tatak ng isang henyong Pilipino.
Ang apat na Haponesa ay kilala sa bansang Yokohama, Japan bilang mga baseball players.
-SID SAMANIEGO