CAMP CRAME – INANUNSIYO ng Philippine National Police (PNP) na apat sa 11 kaso ng pagpatay sa Negros Oriental ay kanila nang naresolba.
Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde, ang mga naresolbang kaso ay hawak na ng Prosecutor’s Office sa Dumaguete City.
“Doon sa mga incidents doon, out of the 11, as I’ve said four cases were already solved… Ibig sabihin nito, we were able to file cases against suspects,” ayon kay Albayalde.
Habang nagpapatuloy ang pagtugis sa pito pang mga suspek para naman sa natitirang mga kaso ng pagpaslang sa nasabing lalawigan.
Muli namang ipinagmalaki ni Albayalde na epektibo ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) para sa mabilis na pagresolba sa kaso.
Una nang binuo ng PNP-Region 7 ang SITG upang imbestigahan ang mga shooting incident na walang sinasanto dahil pati ang mga kilalang personalidad at awtoridad ay kanilang minamanmanan kung may kinalaman sa mga pagpatay.
Kabilang sa mga slay case ay ang brutal na pagpatay ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon.
Batay sa datos, 20 katao ang napaslang simula noong Hulyo 18 kasama ang apat na pulis na pinahirapan saka binaril ng nakaluhod.
Sa nasabing insidente ay nadamay ang kapitan ng barangay na napaulat na nagpakamatay.
Nagkaroon din ng espekulasyon na ilagay sa martial law o batas military ang Negros Oriental na tinutulan ng mga residente roon.
Gayunman, humupa na rin ang sitwasyon at bumalik na sa normal ang seguridad doon. EUNICE C.
Comments are closed.