PAMPANGA – APAT katao ang inaresto sa search operation sa Angeles City.
Ang mga inaresto ay nakuhanan ng baril at hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Godofredo Abul ng RTC Branch 57, Angeles City, inaresto ang main target ng operasyon na kinilalang si Paisal Bertudan at ang tatlo pang kasamahan niya.
Nakuha kay Bertudan ang isang kalibre .45 baril, mga bala at hinihinalang droga. Itinuturing ng mga awtoridad na big time pusher si Bertudan.
Depensa ni Bertudan, humina lang daw ang kaniyang paninda kaya pumasok umano siya sa illegal drug trade.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group sa Angeles, tumataas ‘di umano ang demand sa droga lalo ngayong eleksiyon pero lalo pa nilang pinalalakas ang kanilang puwersa para masugpo ang ilegal na droga. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.