Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Blackwater
vs NorthPort
7 p.m. – Phoenix vs Meralco
MATAPOS pataubin ng Barangay Ginebra ang mortal na karibal na Talk ‘N Text sa inaugural game ng PBA Philippine Cup sa Philippine Arena noong Linggo, apat na koponan – Blackwater, NorthPort, Phoenix at Meralco- ang magpapasiklaban sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum.
Magsasagupa ang Elite at Batang Pier sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan sa pagitan ng Pulse Fuel Masters at Bolts sa alas-7 ng gabi.
Inaasahang magiging kapana-panabik ang dalawang laro dahil halos magkakapantay ang lakas ng apat na koponan.
Katuwang ang kanilang mga assistant ay magtatagisan ng galing sina Blackwater coach Bong Ramos at NorthPort mentor Pido Jarencio, at Phoenix bench strategist Louie Alas at Meralco drill master Norman Black.
Sa apat, si coach Black ang may achievement at pangatlo sa may pinakamaraming titulo matapos nina Tim Cone ng Barangay Ginebra at legendary mentor Virgilio ‘Baby’ Dalupan ng Crispa. Sina Black, Cone at Dalupan ang tatlong mentors na nagwagi ng grandslam.
Samantala, hanggang ngayon ay mailap pa rin ang titulo kina Ramos, Jarencio at Alas, at determinado ang tatlong dating players na mapasama sa elite class ng champions coach.
Pangungunahan nina Chris Newsome, Reynel Hugnatan, Jeff Hodge, Amer Baser at Jared Dillinger ang opensiba ng Meralco kontra Phoenix, na pagbibidahan naman nina Calvin Abueva, Matthew Wright, JC Intal, Dough Kramer at James Wilson.
“We have to win our first game to bolster our title campaign,” sabi ni coach Black na hanggang ngayon ay bigo pa ring bigyan ng titulo si team owner Manny V. Pangilinan. CLYDE MARIANO
Comments are closed.