BULACAN – KASALUKUYANG ipinagluluksa ngayon ng pamilya ng apat na menor na iniulat na nalunod sa isang fishpond sa San Ildefonzo.
Ayon sa naantalang ulat na ibinahagi ng San Ildefonzo Municipal Risk Reduction Management Office ilang oras na ang nakalipas bago naiahon ang mga biktimang sina Mika Rivera, 12, Mark Rivera, 10, Brix Jonathan, 8, at Mayjoy Yola, 11.
Sa panayam kay Kieron V. Viudez, LDRRM Officer itinawag lamang sa kanila na may nalulunod na mga bata sa palaisdaan at nang dumating ang kanilang rescue team ay isinasakay na ang apat sa patrol car ng Barangay Pala-pala para dalhin sa R. D Galvez Medical Center
Pawang dineklarang patay na ang mga bata matapos bigyan ng cardio pulmonary resuscitation.
Sinasabing walang alam ang may-ari ng fish pond na may mga naliligo na mga bata na base sa ulat na bineberipika ng mga awtoridad na pito ang batang nag-swimming at lima umano ang nalunod at isa lamang ang nakaligtas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.