VALENZUELA CITY – KULONG ang apat na hinihinalang sangkot sa droga sa buy bust operation ng Northern Police District (NPD).
Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) OIC Insp. Danilo Songalia ang mga naaresto na sina Serafin Fajardo Jr., 44, ng 3259 Teachers Village, Brgy. Gen. T. De Leon, Michael Villareal, 41, ng 2858 P. Fronda St., Brgy. 186, Gagalangin, Tondo, Manila, George Morales, 43, ng 477 Evelyn St., Maypajo, Caloocan City at Arnel De Je-sus, 48, ng 33 Policarpio St., Gen T. De Leon.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Evan Santos, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ng pinagsamang mga operatiba ng DDEU at DSOU ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Teachers Village, Brgy. Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.
Agad inaresto ang mga suspek matapos iabot ang isang plastic sachet ng shabu sa operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng P1,000 marked money. EVELYN GARCIA
Comments are closed.