CALOOCAN CITY – NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa lungsod na ito.
Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengien Deimos ang umano’y tatlong naarestong drug pusher na si Bienvinido Desierto, 44, Richard Santos, 31, Kenneth Romero at Ricardo Saplad, 50, antenna vendor.
Sa imbestigasyon ni PO1 Donn Herrera, dakong alas-9:10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa bahay ni Desierto sa #308 Paulicas Maypajo, Brgy. 31, Caloocan.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang plastic ng shabu sa undercover police na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money ay agad sumalakay ang mga nakaantabay na operatiba at sinunggaban ang mga ito.
Narekober ng operatiba sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P1,200 market value ang halaga, buy bust money, coin purse, isang cal. 22 revolver na kargado ng tatlong bala at P300 cash.
Kasong paglabag sa R.A 9165 at R.A 10591 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA
Comments are closed.