4 O’ CLOCK HABIT LABAN SA DENGUE

Imelda Aguilar

NANAWAGAN kahapon si Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na sumunod at pananatilihin ang 4 o’clock” habit ng lungsod upang mapaglabanan ang pagkalat ng sakit na Dengue.

Ani Aguilar, bukod sa pagiging maingat sa pandemya na dulot ng COVID-19 ay importante rin na linisin ng mga residente sa lungsod ang kanilang kapaligiran upang hindi madapuan ng sakit na Dengue.

Ipinaliwanag ni Aguilar na sa 4 o’clock habit ng lungsod, ang bawat residente ay kinakaila­ngang maglinis ng kanilang bakuran at paligid upang maalis ang pinamumugaran ng lamok na kanilang ginagawang breeding ground lalo pa ngayong panahon ng tag-ulan.

Pinayuhan din ni Aguilar ang mga residente na sumunod sa 4’s – search and destroy ng mga breeding places ng lamok; self-protection; seek early consultation at support fogging/spraying para lamang sa mga hotspot area upang maiwasan ang naturang sakit.

Kasabay nito, sinabi ni Aguilar na mainam na rin na agad na makipag-ugnayan sa mga health center sa kanilang mga lugar kung sakaling mayroon na silang nararamdamang sintomas ng sakit na Dengue. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.