4 OFWs MULA CHINA NAKAUWI NA

DFA

OFWs APAT na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa China ang natulungan na makauwi ng bansa.

Matagumpay  na nakauwi  ang mga nasabing Pinoy sa tulong Philippine Consulate General sa Xiamen.

Nabatid na naipit sa nasabing bansa ang  apat na Pinoy dahil sa ipinairal na travel restrictions bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

“The Filipino repatriates took the Xiamen-Nanjing-Manila route, a longer trip than usual, because there are no direct flight schedules yet from Fujian Province to the Philippines.” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)

Simula pa noong Marso 15 , ang Consulate General sa Xiamen ay nakikipag-ugnayan na para sa repatriation ng 178 Filipinos kabilang na ang stranded seafarers at students mula sa Fijuan pro­vince para makauwi sa bansa. LIZA SORIANO

Comments are closed.