4 OSPITAL, PASOK SA TRIAL PARA SA AVIGAN

Maria Rosario Vergeire

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng Department of Health (DOH) para sa isasagawang mga clinical trial para sa gamot na Avigan  laban sa sakit na COVID 19.

Kasunod ito ng ulat na apat na ospital na ang napili at inaprubahan ng DOH upang isagawa ang nasabing trial tests para sa gamot na mula  sa Japan.

Sa isang media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga ospital ay ang Sta.Ana Hospital,  Philippine General Hospital, Dr. Jose  Rodriquez Memorial Hospital at Quirino Memorial  Medical Center.

Sa gagawing clinical trial,  nasa 100 pasyente ang kakailanganin.

Ang Avigan anti flu drug  na mula sa Japan  na posibleng lunas umano sa COVID-19 ay hindi maaring gamitin o subukan sa mga may problema sa puso  at mga ayaw tumanggap  ng contraceptives dahil hindi ito maaring gamitin sa mga buntis. PAUL ROLDAN

Comments are closed.