BULACAN- Nasa ligtas ng kalagayan ang apat na pintor na nawalan ng malay matapos ma-suffocate sa loob ng isang tangke ng tubig sa Rocka Village ll sa Brgy, Tabang, Plaridel sa nasabing lalawigan.
Sa report ni P/Maj. Wendel Arinas, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa mga biktima ng suffocations.
Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Trinidad, 57-anyos ng Sabang, Baliwag; DenDen Pineda, 34-anyos; Marjon Rovelo, 24-anyos at Merlito Parola 29-anyos na mula naman sa bayan ng Calumpit.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, kasalukuyang nagpipintura ang mga biktima nang bigla na lamang makaramdam ng pagkahi-lo ang mga ito.
At dito, agad ipinag-alam ng mga nakasaksi ang nangyari sa mga biktima at mabilis na nagreponde sa lugar ang MDRRMO Plaridel kasama ang mga expert ng Bulacan Rescue/566.
Nabatid mula sa rescuers, confined space suffocation ang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang apat sa loob ng naturang malaking tangke ng tubig.
Samantala agad na dinala sa hospital ang mga biktima natapos mabigyan ng first aid para sa atensyong medical THONY ARCENAL
Comments are closed.