INAPRUBAHAN ng Philippine Basketball Association (PBA) ang four-player trade sa pagitan ng Alaska Aces at ng Blackwater Bossing.
Ang deal ay magdadala kina JVee Casio at Barkley Eboña sa Bossing, habang mapupunta sa Aces si Mike Tolomia at ang 2022 second-round draft pick ng Bossing.
Si Casio ay naglaro para sa Alaska sa loob ng siyam na taon. Bahagi siya ng huling championship run ng koponan sa 2013 Commissioner’s Cup.
Samantala, si Eboña ay fourth overall pick ng Aces sa 2019 PBA Rookie Draft.
Maglalaro si Tolomia sa kanyang ika-4 na PBA team makaraang maglaro para sa Rain or Shine Elasto Painters at Meralco Bolts.
Patuloy ang pagpapalakas ng Bossing matapos ang winless campaign sa Philippine Cup ngayong taon. Nauna na rin nitong kinuha si Rashawn McCarthy mula sa Terrafirma Dyip at si free agent Val Chauca.
Sa pagpasok nina Casio at Eboña, ang Blackwater ay inaasahang magkakaroon ng steady court general at frontcourt presence.
207371 537773This really is excellent content. Youve loaded this with beneficial, informative content that any reader can recognize. I enjoy reading articles that are so quite well-written. 738459
685480 54712Found your weblog and decided to have a study on it, not what I usually do, but this weblog is wonderful. Awesome to see a website thats not spammed, and in fact makes some sense. Anyway, excellent write up. 218749