4 PULIS-CAVITE TULOG SA DUTY, 3 PA SINIBAK

Supt Segun

CAVITE – Pitong pulis-Cavite kabilang ang apat na naaktuhang tulog sa duty ang sinibak sa puwesto at kinasuhan makaraang isagawa ang biglaang inspection ng provincial director ng PNP sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa nasabing lalawigan kahapon ng madaling araw.

Inilipat sa Provincial Administration Holding Unit sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City bago kasuhan ang mga pulis na naaktuhang tulog habang naka-duty sina SPO1 Miguel Aquintey, PCP commander ng General Trias City Police Station; PO1 David, desk officer ng Rosario MPS; PO2 Ahvegail Darang, duty investigator ng Rosario MPS; at si PO1 Mary Grace Teves, duty SDO.

Naaktuhan namang wala sa kanilang duty bilang officer of the night sina PO1 Lubigan ng General Trias City PS at PO2 Marife Flores ng Kawit MPS/WCPD habang si PO1 Mark Napili ng General Trias CPS ay sinasabing wearing untidy uniform ng General Trias CPS.

Base sa police report, bandang alas-2 ng madaling araw nang magsagawa nang biglang inspection sa iba’t ibang himpilan ng pulisya si Cavite Provincial Director P/Senior Supt. William M. Segun para matiyak na maayos ang pagpapatupad ng seguridad at katahimikan.

Subalit, nadismaya ng pamunuan ni P/Senior Supt. Segun dahil naaktuhan nito ang apat na pulis na mahimbing na natutulog imbes na naka-duty habang ang iba naman ay wala sa kanilang duty.

Naaktuhan din ng nabanggit na opisyal na hindi maayos at marumi ang uniporme ng isang pulis na naka-duty sa himpilan ng pulisya.

Kaagad na umaksiyon ang nasabing opisyal kung saan sinibak at inilipat sa PHAU ang pitong pulis bago isailalim sa masusing imbestigasyon at pormal na kasuhan. MHAR BASCO

Comments are closed.