QUEZON CITY – ARESTADO ng bagong tatag na Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng PNP ang 4 na pulis dahil sa pagsusugal at pag-inom sa pampublikong lugar.
Base sa ulat, nahuli ang 4 na pulis alas-10 ng gabi sa Baranggay Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina: Police Staff Sergeant Erwin Gobis, Police Senior Master Sergeant Demetrio Laroya, Police Corporal Ariel Pasion na mga nakatalaga sa PNP Health Service sa Camp Crame; at Police Staff Sergeant Gerry Ocampo ng PNP Crime Lab.
Dinakip din ang isang non-uniformed personnel na si Leo Ocinar, dating pulis na si Fidel Agustin at isang Teddy Carpio na may-ari ng establisimiyento na nag-o-operate ng online sabong.
Narekober ng IMEG ang mga perang pantaya na nagkakahalaga ng mahigit P14,000, 2 television set na ginagamit sa online gambling, digital video recorder, betting ticket, 2 digital box at 23 bote ng alak.
Nasa kustodiya ngayon ng IMEG ang mga pulis na mahaharap sa paglabag sa PD 1602 at drinking in public place. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ