BULACAN – ARESTADO ang apat katao na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ang buy bust operation habang pitong iba pa na wanted sa batas ang nadakip din.
Sa ulat ni PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna, kinilala ang mga nadakip na sina Ma. Ana Abalos, na kasama sa PNP/PDEA Barangay Anti-Drug Abuse Council watchlist, Esalyn Ybanez, 41-anyos, Jorry Galicia, at John Paul Toledo, 34-anyos.
Pahayag ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., ganap na alas-3:15 ng hapon nang masukol ang mga suspek sa Brgy. Minuyan-ll, San Jose del Monte.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.
Samantala, kinilala naman ang mga wanted person na nadakip via manhunt operations na sina Lenie y Dela Cruz Gonzales, 43, ng Brgy. Banca-Banca, San Rafael, sa kasong 6 count na qualified theft, James Carlo Mondero y Festin, 19, Amy Asuncion y Garcia, 23, ng Sitio Bana, Brgy. Siling Bata, Pandi, sa kasong grave threats.
Habang nadakip din sina Benedicto Mangulabnan y De Jesus, 49, Brgy. Sto. Cristo, Baliuag, David John Acelajado, 32, ng Brgy. Caingin, Malolos, sa kasong frustrated murder, at Annaliza Miparanum, 39-anyos, isang guro ng Sitio Alagao, Brgy. Minuyan, Norzagaray. THONY ARCENAL
Comments are closed.