40 BRICKS NG COCAINE NABINGWIT NG MGA MANGINGISDA

cocaine

SURIGAO DEL NORTE – PANIBAGONG 40 bloke ng hinihinalang cocaine ang muling nalambat ng mga mangingisda sa sa karagatang sakop ng Burgos kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinara­ting sa punong himpilan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency, ang mga mangingisda ang nakalamabat na droga bandang  alas 4:30 ng hapon ng Linggo, Apr. 7.

Ayon kay Caraga police chief Brig. Gen. Gilbert Cruz may markang “Bugatti” ang bawat bloke ng cocaine at ibinalot sa sirang lambat.

Kahawig umano ito ng  narekober na cocaine sa Barangay Pacifico, bayan ng San Isidro sa nasabing lalawigan noong nakalipas na buwan ng Pebrero.

Agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang nasabing bloke-blokeng cocaine.

Tinatayang  nasa  P1 bilyon na ang halaga ng cocaine bricks na nareko­ber sa mga dalampasigan sa silangang bahagi ng bansa mula noong Pebrero, ayon sa mga awtoridad.

Hindi inaaalis ni PDEA Director General Aaron  Aquino ang posibilidad na ginagamit ng international drug syndicates ang Filipinas bilang transshipment point ng cocaine na sinang ayunan din ng PNP. VERLIN RUIZ

Comments are closed.