40 LADY TRIKERS NABIYAYAAN NG AYUDA SA SJDM

tricycle driver

BULACAN- APATNAPUNG babaeng tricycle drivers ang nabiyayaan ng ayuda ni Ate Cong. Rida Robes, ang kongresista ng lone district ng San Jose del Monte City, kahapon.

Bilang selebrasyon sa kaarawan ng mambabatas ngayong araw, Hunyo 27, mi­nabuti nitong ayudahan ang mga babaeng trike driver kung saan nagbigay siya ng loot bags na naglalaman ng gas/diesel voucher at maaring nilang gamitin sa health protocols habang namamasada gayundin ang kulay rosa ng timba na tulong o “sobre” o cash sa mga lady driver.

Sinabi ni Ate Cong. Rida na noong Marso pa sana aayudahan ang mga lady trike driver sa selebrasyon ng kababaihan subalit isinailalim ang bansa sa quarantine dahil sa krisis sa kalusugan na dulot ng COVID-19.

Dahil nasa general community quarantine na ang Bulacan, pinayagan na rin ang operasyon ng tricycle bilang transport means sa lungsod at dahil matagal na natengga ang mga ito ay binigyan ng panimula ng kongresista.

Umaasa naman si Robes na nakatulong siya sa mga babaeng tsuper at naghahanda pa ng iba pang maitutulong sa kanyang mga kababayan. EUNICE C.

Comments are closed.