40% MIYEMBRO NG PNP NAKA-BOOSTER SHOT NA

UMABOT na sa 40.79 porsiyento ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID 19.

Ito ay katumbas ng 89,119 na indibidwal.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, patuloy ang pagtuturok ng booster shot sa kanilang hanay upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Iniulat pa ng PNP na 97 percent o katumbas ng 218,487 nilang mga tauhan ang fully vaccinated na.
May 5,798 na mga tauhan nila ang nag-aabang ng schedule ng 2nd dose habang mayroon 917 na ang hindi bakunado dahil sa ibat ibang dahilan. REA SARMIENTO