400 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19

covid recovery

MAYROON na naman 400 bagong naitala ang Department of Health (DOH) ang gumaling sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon pa sa DOH, umakyat na sa kabuuang 230,233 ang bilang ng recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Gayundin, hindi bababa 3,475 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na sa huling datos na inilabas ng DOH kahapon ay umabot na sa 290,190 ang confirmed cases.

Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,543 cases; Batangas na may 194 cases; Rizal na may 192 cases; Cavite na may 166 cases at Cebu na may 165  cases.

Nabatid na sa nasabing bilang, 54,958 ang aktibong kaso na kung saan 86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.9 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondis­yon.

Nakapagtala rin ang DOH ng 15 katao na napaulat na nasawi na kung saan, walo ang nasawi ngayong Setyembre, anim noong Agosto, at isa noong Abril.

Dahil dito, umakyat na sa 4,999 ang CO­VID-19 related deaths sa bansa.

May 28 namang ina­lis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport, kasunod pa rin ng kanilang nagpapatuloy na balidasyon at paglili­nis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.