PASAY CITY-UMABOT na sa 40,930 na overseas Filipino workers (OFWs) ang ni-repatriate ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula noong Pebrero.
Ayon sa DFA, sa nasabing bilang ay 58 percent o kaya ay nasa 23,714 na OFW ang sea-based habang 42 percent o 17,216 naman na OFW ang land-based.
Pinakahuling nakauwi ang mga OFW na mula sa Germany at Saudi Arabia noong Sabado.
Pinapayuhan ng DFA ang mga OFW na nais bumalik sa bansa na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na mga embahada o konsulada.
Samantala, umabot na sa 5,519 ang bilang ng mga Pinoy na may kaso ng COVID-19 sa ibang bansa matapos makapagtala ng 29 na bagong kumpirmadong kaso ang DFA noong Sabado.
Lima ang nadagdag sa mga nasawi o kabuuang 400.
May 2,485 na ang mga gumagaling kasama ang nadagdag na 116 bagong recoveries. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.