40K PULIS KIKILOS KA-PAG INI-LOCKDOWN ANG NCR

Pulis

CAMP CRAME – TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na handa sila sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila dahil na rin sa banta ng coro­navirus disease  (COVID 2019).

Ayon kay PNP Chief, nasa 40,000 na mga pulis ang kikilos kung sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila.

Aniya, 280,000 pulis mang­galing sa National Capital Region Police (NCRPO) at 10,000 pulis magmumula sa National Support Units sa Camp Crame.

Subalit sinabi ni Gamboa, lahat ng magiging kilos ng mga pulis na ito ay magmumula sa protocol na ipapatupad ng Department of Health (DOH).

PNP BIBILI NG 300 SETS NG PROTECTIVE GEAR

Samantala, inaprubahan na ni Gamboa ang pagbili ng 300 sets ng protective gear para sa isang team ng mga pulis sa NCRPO na tututok sakaling may pulis na magpositibo sa nasabing virus.

Ayon kay Gamboa, sa ngayon ang concetration nila ay sa NCR dahil dito may mga pulis na nai-report na may sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, naghahanap na aniya ang NCRPO na makukuhanan ng 300 sets ng protective gear para maipagamit na sa inihandang team.

Samantala, sinabi naman ni Gamboa na dapat bawat PNP units nationwide ay mayroong sariling quarantine areas.

Subalit maari naman daw mag-home quarantine.

Sa Camp Crame aniya ang Kiangan Building ang maa­ring gamiting quarantine area dahil para aniya itong hotel. REA SARMIENTO

Comments are closed.