UMAABOT sa 19,659 elementary teachers at 22,271 secondary teachers ang nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Marso 24, ayon sa Professional Regulation Commission at Board for Professional Teachers.
Nasa 27.28% ng 72,054 kabuuang elementary teacher na kumuha ng pagsusulit ang tanging pumasa sa LET habang sa 25.95% ng 85,823 exami-nees sa secondary teachers ang nakapasa.
May 5,078 naman sa elementary teachers at 15,621 sa secondary teachers ang first timers mula sa mga nakapasa.
Si Stephanie Apple Miguel Piodo na nakakuha ng 93.20% sa pagsusulit ang top 1 sa elementary teachers LET. Nagtapos ito sa Compostela Valley State College-Montevista Branch.
Samantala, sa secondary teachers naman ay nanguna si Honey Gracielle Decosto Baclayo ng University of Mindanao-Davao City na nakakuha ng 93.40%.
Comments are closed.