DUMATING na kahapon ang ika-6 na batch ng overseas Filipinos mula sa Israel sa NAIA Terminal 3.
Dahil dito, umabot na sa 184 ang kabuuang bilang ng repatriated OFWs sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Israeli troops at ng Hamas militants.
Ang latest batch ay kinabibilangan ng 42 OFWs at isang sanggol.
Noong Lunes ay dumating sa bansa ang ika-5 batch ng repatriates na kinabibilangan ng 22 OFWs at isang sanggol lulan ng Etihad Airways flight EY 424 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Labingsiyam sa kanila ay 19 caregivers at tatlo ang hotel workers.
Bukod sa financial assistance mula sa Department of Migrant Workers, ang bawat OFW repatriate ay tumanggap din ng P50,000 cash assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration, P20,000 livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development, at P5,000 mula sa Technical Education and Skills Development Authority.