42K BARANGAY ALL SYSTEM GO NGAYON

CAMP CRAME – IT’S all system go na para sa 41,948 barangay sa halalan ngayong araw matapos ang dalawang ulit na postponement.

“Handang-handa na po tayo,” pahayag ng Comelec kasunod ng pagtiyak ng Philippine National Police (PNP) na in place na ang mga inilatag na security measure para sa pagdaraos na malinis at maayos na Sanguniang Barangay polls sa buong bansa.

Alas-12 ng tanghali ng hatinggabi ay natapos na ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na hudyat naman sa pagpapairal ng liquor ban sa buong bansa.

Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng simulation exercise ang PNP upang maipakita ang kanilang kahandaan para sa eleksiyon.

Sa Maynila ay pinaaalalahanan ni PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dir. Camilo Cascolan ang lahat ng pulisya sa Metropolis na tututukan ang kanilang duties and responsibilities para matiyak na maging maayos, mapayapa ang Barangay at SK elections kasabay ng kanilang ang anti-criminality operations.

Bilin ni Cascolan sa kaniyang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang lahat ng Comelec rules at palakasin ang anti-criminality operations sa pamamagitan ng pagpapalakas at paigtingin ng police visibility, sa pagsasagawa ng mobile patrol, checkpoints at beat patrol.

Direktiba nito sa mga commander na mahigpit i-supervise ang kanilang mga tauhan lalo na sa mga pasaway na pulis na agad disipli-nahin ang mga ito.

Binigyang-diin din ni Cascolan na bagaman, abala sila sa pagbibigay ng seguridad para sa halalan, tuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa iligal na droga.

Kaugnay nito ay nanawagan din ang NCRPO chief sa publiko na mging vigilant at agad ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may nakikita o naoobserbahan silang kakaiba o kahinahiala sa kanilang mga komunidad.

Aniya, mahalaga ang suporta at kooperasyon ng publiko para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Paalala ng COMELEC na manual voting ang sistemang gagamitin, sa araw ng eleksiyon ang mga botanteng may edad na 15 to 17 ay makakatangap ng red SK ballot habang ang mga may edad 31 pataas ay gagamit lamang ng barangay ballot.

Habang ang mga botanteng may edad na 18 hanggang 30, ay gagamit naman ng dalawang nabanggit na uri ng balota. VERLIN RUIZ

Comments are closed.