43 DENGUE PATIENTS SA REGION 2 ‘DI NAISALBA

DENGUE patient

NABAHALA na ang pamunuan ng Department of Health (DOH)-Region 2 dahil sa umaabot na sa 101% ang umano’y itinaas ng kaso ng dengue sa kanilang lugar mula  Enero hanggang Agos­to 2019 kung saan 43 na ang namatay ng dahil sa dengue.

Sa pahayag ni Dr. Romy Turingan ng Department of Health (DOH)-Region 2 na mula noong Enero hanggang Agosto 2, 2019 ay umabot na sa 7,650 ang naitalang nagkasakit ng dengue kumpara sa 3,750 sa katulad na panahon noong 2018.

Dahil dito ipinahayag ni Dr. Turingan na kumikilos na ang DOH-Region 2 upang mapababa ang naitatalang kaso ng dengue sa mga susunod na buwan ng 2019.Nagpapamigay na rin sila ng insecticide treated screen sa mga pampublikong paaralan sa Region 2.

Puspusan ang kanilang isinasagawang information dissemination at Action Barangay Kontra Dengue para sa pagtulong ng mga opisyal ng barangay na mapuksa ang mga lugar na pinangi­ngitlugan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Ang lalawigan ng Cagayan ay may naitalang 2,910 kaso ng dengue, ang Isabela ay 2,111 at bukod pa ang mga nagkasakit ng dengue sa mga lunsod ng Ila­gan, Cauayan at Santiago.

Sa lalawigan ng Quirino ay mayroong 720 na kasong naitala kumpara sa 244 noong nakaraang taon, ang Nueva Vizcaya naman ay may naitalang 798 kumpara sa 740 noong 2018 at sa Batanes ay may walong kaso lamang.

Nanawagan na rin siya sa mga mamamayan na ang mabisa pa ring panlaban sa sakit na dengue ay ang search and destroy sa mga pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. IRENE GONZALES

Comments are closed.