44 COLORUM PUVs PINAGMULTA NG P17.4-M

UMABOT sa 44 colorum o unregistered public utility vehicles (PUVs) ang hinuli at pinagmulta ng kabuuang P17.4 million ng isang government transportation task force.

Hinuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) ang mga colorum van at pinagmulta ang mga ito ng tig-P200,000 habang ang unregistered buses ay pinatawan ng multang tig-P1,000,000 mula Enero  6 hanggang 31 sa crackdown laban sa mga hindi rehistradong motor vehicles.

The substantial fines imposed on offenders reflect the government’s unwavering commitment to prioritizing road safety for all commuters,” ayon sa SAICT.

Ang SAICT, dating tinatawag na Inter-Agency Council on Traffic, ay sinamahan sa anti-colorum operations ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa SAICT, magpapatuloy ang kampanya at inaasahang marami pang illegal at unregistered vehicles ang mahuhuli.

Nanawagan din ito sa publiko na i-report ang mga kahina-hinala o illegal transportation services aa DOTr commuter hotline sa 0920 964 3687.                                          

(PNA)