44 DURUGISTA, 29 MOST WANTED, 8 SUGAROL NALAMBAT

arestado

BULACAN – UMAABOT sa 44 durugista, 29 most wanted person at 8 sugarol ang nalambat ng mga operatiba ng pulisya sa ikalawang araw ng Simultaneus Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa ibat ibang bayan sa lalawigang ito noong Miyerkules.

Base sa report na nakarating kay Bulacan Provincial Director Col. Lawrence Cajipe, isinagawa ang serye ng buy-bust operation sa mga lungsod at bayan ng Angat, Balagtas, Baliwag, Bocaue, Bustos, Calumpit, Guiginto, Hagonoy, Malolos City, Meycauayan City, Obando, Pandi, San Rafael at San Jose del Monte City kung saan 44 durugista ang nasakote.

Nasamsam sa mga drug pusher ang 127 plastic sachets ng shabu, 2 pakete na marijuana, 2 motorsiklo, 1 rifle, 1 alloy pelvets maker air gun, magazine assembly ng cal. 22 rifle,cellphone, buy-bust money at drug paraphernalias.

Samantala, walong sugarol naman ang nalambat sa ikinasang anti-illegal gambling operations sa bayan ng  Bulacan at Meycauayan City  habang 29 most wanted person na may mga kasong kriminal ang naaresto sa Bocaue, Guiginto, Marilao, Paombong, Pandi, Plaridel, Meycauayan City, Sta. Maria, Baliwag, Bustos, Sta.Maria, San Ildefonso, at  San Jose de Monte City. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.