44,635 PULIS DINAPUAN NG COVID-19

PUMALO na sa 44,635 ang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) makaraang 450 pulis pa ang tinamaan ng nasabing virus hanggang kahapon.

Dahil sa karagdagang numero ng nagpositibo ay pumalo na sa 3,262 ang aktibong kaso.

Habang 31 pulis ang gumaling sa sakit kaya ang total recoveries ay nasa 41,248.

Habang nananatili sa 125 ang bilang ng nasawi na nagsimula noong Marso 2020 at ang huli ay noong Nobyembre 10, 2021.

Samantala, 42,315 cops o 18.78% ng kabuuang bilang ng PNP personnel ang tumanggap ng booster shots.

Nasa 216,166 na pulis naman ang fully vaccinated habang nasa 7,824 pulis ang naghihintay pa ng ikalawang dose at 1,343 pa ang mga pulis ang hindi nababakunahan dahil ang 568 ay mayroong taglay na medical condition habang 775 pa ang hesitant sa bakuna bunsod ng kanilang paniniwala. EUNICE CELARIO