MAY 45 health workers at emergency personnel ng Binangonan, Rizal ang isinailalim sa Health Emergency Response Operation (HERO) training ng Department of Health (DOH) – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) mula Mayo 29 hanggang Hunyo 1, 2018, sa Eurotel Vivaldi Edsa-Cubao, Quezon City.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang HERO training ay isang continuing commitment ng regional office para sanayin at ihanda ang kanilang health workers para magkaroon ng sapat na kakayahan na rumesponde at magbigay ng tamang pag-aalaga sa mga taong posibleng maapektuhan ng natural disasters, giyera at iba pang krisis, maging ng health risks na resulta ng catastrophic event.
“Basically, those who respond and provide the initial lifesaving care are health workers from every communities affected. They are the first responder when people are in need of first aid, triage and other essential health care including assisting in search and rescue operations and providing emergency relief items,” paliwanag ni Janairo.
“It is very important that they are well-trained in good information management system, proper coordination with the appropriate agencies and organizations in specific types of incidents, such as floods, earthquakes, and even acts of terrorism,” dagdag pa ng regional director.
Kasama sa naturang apat na raw na HERO training ang introduksiyon sa health emergency response operation, updates sa health emergency management at mga tungkulin at responsibilidad ng health workers sa panahon ng emergencies.
Kabilang din ang agarang pagresponde, assessment, monitoring risks, mobilisasyon ng komunidad para sa pagtugon, paggamot ng common illnesses, pagsusulong ng good health, training sa risk reduction, emergency preparedness at pagrekober mula sa mga disaster.
“To be able to save lives during emergencies, time is a crucial factor. Health workers must know how to assess risks in their own community, identify vulnerable groups, such as children, women and the elderly, detect trends in disease patterns and able to provide early warning to residents,” ani Janairo.
Naniniwala si Janairo na kung sinanay ang health workers na tumugon sa health emergency response mas magiging ligtas ang kanilang komunidad mula sa anumang mga hazard at health risks sa panahon ng emergency.
Ang 16th DOH-Calabarzon HERO Training para sa Binangonan ay isinagawa at pinangunahan ng regional health emergency unit. ANA R HERNANDEZ, JOEL AMONGO
Comments are closed.