SA New Clark City sa Capaz, Tarlac dadalhin upang i-quarantine ng 14 na araw ang 45 Pinoy na nakatakdang ilikas ng pamahalaan mula sa Wuhan City.
Kasalukuyan nang nasa Wuhan ang repatriation team ng Filipinas para sa paglilikas sa mga naturang Pinoy, na ibababa sa Clark International Airport.
Unang target ng pamahalaan na sa mega drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, i-quarantine ang mga Pinoy na pauuwiin mula sa Wuhan, ngunit dahil marami pang kulang sa pasilidad nito, ay nagpasya silang sa New Clark City, na ginamit sa katatapos na Southeast Asian Games, na lamang sila dalhin, na tinututulan naman ng local na pamahalaan ng Capaz.
Pagdating naman sa isyu nang pag-cremate sa bangkay ng namatay na nCoV patient, sinabi ni Domingo na hindi ito natuloy dahil tumatanggi ang mga crematories na kunin ang bangkay, sa pangambang makaapekto ito sa kanilang negosyo.
Inilibing na lamang umano ang bangkay ng pasyente, ngunit tiniyak niya na maayos ang pagkaka-dispose sa bangkay nito. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.