4,594 TIWALING PULIS SINIBAK

Camilo Pancratius Cascolan

UMABOT na 4, 594 na mga pulis ang sinibak na serbisyo matapos mapatunayang nasangkot sa mga katiwalian.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan, kaugnay ito sa halos apat na taong pagpapatupad ng Internal Cleansing Program ng PNP.

Ayon pa kay Casco­lan, ang nasabing bilang ng mga pulis na nasibak sa serbisyo ay mula sa 15,768 na mga sinampahan ng kasong administratibo dahil sa mga kinasasangkutang criminal activity katulad ng illegal drugs, grave misconduct, serious neglect of duty, serious irregularity, malversation, dishonesty at graft and corruption.

Nabatid pa na mula sa kabuuang bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo, 7,888 dito ay sinuspinde at 846 ay naman ang na-demote ang ranggo.

Gayundin, 608 naman ay tinanggalan ng sahod at 119 ay restricted sa quarters.

Natukoy din ng PNP, sa bilang ng mga nasampahan ng kasong administratibo ay 549 ay may kasong kinalaman sa droga, 410 ay positibong gumagamit ng droga at 139 ay sangkot sa illegal drug activities.

REA SARMIENTO

Comments are closed.