MAYORYA ng mga Pilipino ang bumuti ang buhay kumpara noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa resulta ng survey na isinagawa ng market research company na IPSOS, 49% ng mga Pilipino ang nagsabing bumuti ang kanilang financial situation kumpara noong unang bahagi ng 2020.
Sa nabanggit na bilang, 17% ang nagsabi na “much better off” ang kanilang pamumuhay habang 32% naman ang nagsabi na “little better off.”
Nasa 17% naman ng mga Pilipino ang nagsabing naging “a little worse off” ang kanilang pamumuhay matapos ang pandemya, 7% ang nagsabing “much worse off” at 25% ang nagsabi na hindi bumuti ngunit hindi rin naman lumala ang kanilang katayuan.
Sinabi ng IPSOS na lumagpas sa global average ang optimistic outlook ng Pilipinas na itinakda sa 37%.
DWIZ 882