NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa pamahalaan na ipatupad na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Law.
Ayon kay Gatchalian, ito ay para magamit itong panangga sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin at upang maibsan din ang bilang ng mga pamilyang Filipino na kinokonsiderang mahihirap.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang infla-tion rate ng 3.2% nitong Mayo mula sa 3% noong Abril.
Nabatid na mas mataaas ang naitalang inflate rate sa tinatayang 3.1% na sinasabing dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin at pagbagsak ng piso.
Ayon kay Gatchalian, noong nakaraang taon, marami sa mga mahihirap ang nakaramdam sa naging epekto ng pagtaas ng inflation dahil sa mabagal na implementasyon ng iba’t ibang social mitigating measures, kasama na ang conditional cash transfer.
Dahil dito, hiniling ng senador na huwag na sanang maulit ang mga naging pagkakamali sa implementasyon ng naturang mga programa. VICKY CERVALES
Comments are closed.