Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
10 a.m. – NU vs UE (Men)
12 noon – NU vs UE (Women)
2 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
SUMANDAL ang La Salle sa kanilang malaking height advantage upang walisin ang Far Eastern University, 25-16, 25-18, 25-21, at umangat sa 5-0 kartada sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Philsports Arena.
Nagposte si Thea Gagate ng 2 blocks at 2 service aces upang tumapos na may 13 points, habang umiskor din si rookie Angel Canino ng 13 points na sinamahan ng 8 receptions at 7 digs para sa Lady Spikers na nalusutan ang matikas na pakikihamok ng Lady Tamaraws sa third set.
Naipagpatuloy ang kanilang pinakamagandang simula magmula nang buksan ang 2014-15 (Season 77) campaign sa 6-0, ang straight-set romp ay nagbigay sa La Salle ng kinakailangang confidence booster papasok sa kanilang huling dalawang first round matches kontra Adamson at defending champion National University.
Matapos ang week-long break, makakaharap ng Lady Spikers ang Lady Falcons sa March 19 na susundan ng Finals rematch laban sa Bulldogs sa March 22.
“Going to our last two games kailangang mas maging pulido pa yung galaw namin kasi dadaan kami ng Adamson tapos NU,” sabi ni La Salle interim coach Noel Orcullo.
Nakabawi naman ang University of Santo Tomas mula sa straight-set loss sa Adamson noong Miyerkoles sa 25-17, 25-23, 25-20 pagwalis sa University of the Philippines.
Hataw si Eya Laure ng 14 points, kabilang ang 2 blocks, at 6 digs, nagtala si Imee Hernandez ng 9-of-18 mula sa spikes at nagpakawala ng service aces habang nagdagdag si Milena Alessandrini, balik sa pagiging rotation player, ng 10 points at 5 receptions para sa Tigresses.
Nanguna si Chenie Tagaod para sa FEU na may 10 points, kabilang ang 2 service aces, habang nag-ambag si rookie Alyzza Devasora ng 9 points.
Nakakuha rin ang Lady Spikers ng malaking suporta kina libero Justine Jazareno, na nakakolekta ng 19 digs, at setter Mars Alba, na nagbigay ng 19 excellent sets.
“Hindi ko inaasahan na magiging ganon kabilis pero marami pa rin kami kailangang itama sa team kasi nga medyo nagkakaroon pa ng lapses lalo na kapag malayo na kami, biglang nagrerelax,” sabi ni Orcullo.